Monday , December 23 2024
arrest prison

Palasyo ‘nanahimik’ sa Batang Bilanggo bill

DUMISTANSYA ang Pala­syo sa panukalang ba­tas na may layuning ibaba sa 9-anyos ang cri­minal liability mula sa 15 anyos ng isang Filipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon, hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinu­sulong na ‘Batang Bilang­go Bill’ na lumusot sa Justice Committee ng Ma­babang Kapulungan bagama´t nais din niya na ibaba ang edad ng criminal liability.

“The President will not interfere with the measure, because that’s the lawmakers’ job. We will wait kung ano ang final,” ayon kay Panelo.

“All he (Duterte) has been saying since the campaign is he wants that lowered. And we will leave that to the law­makers,” dagdag niya.

Kaugnay nito, binu­weltahan ni Panelo si UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa pagkatig sa pagbatikos ng UNICEF Philippines sa ‘Batang Bilanggo Bill’ at tinawag na “kahiya-hiya” at “dangerous and poten­tially deadly proposal.”

Ani Panelo, hindi dapat sumasawsaw sa internal na usapin ng bansa si Callamard.

Batay sa tweet ng UNICEF Philippines, kung ang siyam na taon gulang ay itinuturing ng mga mambabatas na hinog na ang isipan para malaman ang bawal sa hindi, bakit 18-anyos ang umiiral na legal age sa bansa para magpakasal, pumasok sa kontrata at magtrabaho ang isang Filipino?

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *