Sunday , December 22 2024

Poe nangunguna pa rin sa surveys

SA pangunguna sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong 12-18 Nobyembre 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong 7-17 Nobyembre 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong 16-19 Disyembre 2018, nakatitiyak si Sen. Grace Poe na magiging topnotcher sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Isa si political strategist at statistician Janet Porter sa maraming naniniwala na mangunguna pa rin ang anak ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) sa darating na halalan.

“May mahika pa rin si FPJ lalo sa Visayas at Mindanao kaya tiyak na siya ang magiging topnother sa buong Filipinas,” ayon sa tubong Cavite na si Porter. 

“Malaking bagay ang nagawa ni Poe sa Senado lalo ang pagpapahaba ng validity ng ating mga pasaporte at drivers’ license sa 10 taon.”

“May ‘FPJ Magic’ pa rin kaya tiyak na si Grace Poe ang iboboto ng mga tagahanga ni ‘Da King’ lalo sa Visayas at Mindanao,” dagdag ni Porter

Sinabi naman ng kontratistang si Willy Sumook ng Brgy. Matarinao, Salcedo, Eastern Samar na malakas pa rin ang “FPJ Magic” kaya iboboto ng buong pamilya niya si Poe.

“Talagang hangang-hanga kami kay Sen. Poe dahil nakuha niya ang katangian ni FPJ na matapang, tapat sa tung­kulin, tumutupad sa pa­nga­ko at maipagmamalaki bilang Filipino,” ani Sumook.

Sa SWS survey, naka­kuha si Villar ng 62 porsiyento (%), katumbas ng tinatayang 37 milyong boto, kadikit si Poe na nagtamo ng 60% o tina­tayang 36.4 milyong boto sa survey sa 1,500 katao na tinanong nang harapan o one-on-one.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *