Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NUJP pumalag vs red-baiting

KINONDENA ng Natio­nal Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang patuloy na pag-uugnay sa kanilang grupo sa rebolu­syo­nar­yong komunistang grupo na maaaring pakana upang takutin sila para manahimik.

“The National Union of Journalists of the Philippines denounces continued efforts to link us to the communist revolutionary movement, which we see as part of an orchestrated effort to intimidate us into silence,” ayon sa kalatas ng NUJP kahapon.

Ang pahayag ng NUJP ay kasunod ng ulat ng tatlong pahayagan sa isang “Ka Ernesto” na umano’y tinukoy ang naturang organisasyon bilang may direktang ugnayan kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison.

Bagama’t naka­tata­wa aniya ang mga ale­gasyon ni ‘Ka Ernesto’ sa NUJP, nalalagay pa rin sa panganib ang kanilang miyembro dahil maaaring may mga maniwala sa kasinungalingan niya.

Anang NUJP, naka­lulungkot na may mula sa propesyon ng mga ma­mamahayag na nagpa­pagamit sa mga kaaway ng press freedom kahit malagay sa panganib ang kanilang kabaro.

Nagbabala ang NUJP sa mga nasa likod ng nasabing kampanya na tutugisin nila at titiyaking mananagot sakaling may mapahamak na miyem­bro ng kanilang grupo.

Kinokonsulta na anila ng NUJP ang ilang legal experts sa posibleng hak­bang na kanilang gaga­win.

“With at least 12 colleagues slain under the watch of a president who has actually justified the murder of journalists — remember ‘Just because you’re a journalist you are not exempted from as­sassination, if you’re a son of a bitch?’ — and openly and constantly curses and threatens media, we are taking this matter very, very seriously,” pahayag ng NUJP.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …