Monday , December 23 2024

Giit ni Sotto: ‘Marijuana’ bilang gamot legal sa PH

IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na legal ang marijuana kung gagamitin bilang isang gamot sa taong maysakit.

Ito ang naging reaksi­yon ng senador ukol sa plano ng ilang mamba­batas na nais magsagawa ng imbestigasyon kung dapat bang gawing legal ang marijuana for medi­cal use.

Ipinunto ni Sotto ang Republic Act 9165 o Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang Section 2 na sinasabi sa last paragraph na maaa­ring payagan ng gobyerno na gumamit ng ipinag­babawal na gamot tulad ng marijuana ang isang maysakit na indibiduwal basta rekomendado ng doktor at aprobado ng Food and Drugs Admi­nistration (FDA).

Ayon kay Sotto, maraming hindi naka­aalam nito kaya maging ang ilan niyang kasa­mahang mambabatas ay pinayuhang basahin ang naturang batas.

Ipinagtanggol ni Sotto si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa na­ging sagot na hindi masa­ma ang marijuana kung gagamitin bilang gamot o oil cannabis.

Anang senador, tama ang naging sagot ni Gray dahil matagal nang naka­saad sa batas ang pag­ga­mit ng marijuana bilang medical use basta’t aprobado ng FDA.

Inihalimbawa ni Sotto ang iniulat ng FDA na noong Oktubre 2017, nakatanggap ang ahen­siya ng 50 aplikasyon kada buwan para sa com­passionate special permit para sa cancer medi­cation, at noong 30 Set­yem­bre 2017, 583 ang kanilang napayagang aplikasyon mula sa 585 na nagsumite nito.

At maging noong 2016 umabot sa 558 ang inaprobahan ng FDA mula sa 565 na nagsumite ng aplikasyon, na pina­yagang gumamit ng dangerous drugs o can­nabis oil para sa kanilang mga sakit.

Sa kabila nito, iginiit ni Sotto na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagtatanim ng mari­juana at gamitin itong recreational o hithitin bilang bisyo dahil naka­sasama ito sa kalusugan.

ni CYNTHIA MARTIN

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *