IGINIIT ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na walang pork sa amiyenda ng House of Representatives sa P3.75 trilyong national budget sa 2019.
Ipinaliwanag ni Diokno na “prerogative” ng Kamara na amiyendahan ang kanilang isinumiteng 2019 National Expenditures Program (NEP).
Magugunitang pinaratangan ni Senador Panfilo Lacson ang Kamara nang pagsingit ng pork barrel sa budget na aabot sa P60 milyon para sa 297 kongresista .
Ani Lacson, walang konsultasyon sa DBM ang pagsingit ng Kamara sa national budget.
(CYNTHIA MARTIN)