Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BI, DOLE ginisa sa Senado (Chinese illegal workers dagsa)

GINISA ng ilang sena­dor ang Bureau of Immigration (BI) at ang Department of Labor and Employment ( DOLE) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Labor, sa pangunguna ni Senador Joel Villanueva, ukol sa pagdagsa ng Chinese illegal workers sa bansa.

Ayon sa pagdinig, base sa pag-amin ni DOLE Usec. Ciriaco Lagunzad, umabot sa 150,652 Chinese ang nag-apply sa kanila ng Alien Employment Permit (AEP) noong mga taon 2016 at 2017.

Ngunit lumabas na 50,000 lamang ang naa­probahan ng BI noong 2017 at 2018 para mag­ka­­roon ng working permit base sa pag-amin ni BI Chief Prosecution and Legal Assistance Atty. Homer Arellano.

Ang naturang work visa ay may expiration na isa hanggang dalawang taon.

Dahil dito, ginisa nina Senador Villanueva at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang DOLE at BI na tila may kapa­bayaan.

Sa kabila na 50,000 lamang ang nabigyan ng work permit sa 150,652 nag-apply ng AEP, dagsa ang Chinese nationals na nakikitang nagtatrabaho sa bansa partikular sa area ng mga lungsod ng Pasay, Makati at Para­ñaque.

Sinabi ni Villanueva, dahil sobrang dagsa ang Chinese na nagtatrabaho malapit sa MOA sa Maca­pagal Road sa Pasay City, para aniyang may people power ang mga Chinese sa lugar.

Puna ni Villanueva, maraming Filipino ang walang trabaho ngunit dagsa ang Chinese work­ers na nagtatrabaho sa Filipinas.

Lumabas din sa pag­dinig na nagbabayad ang mga Chinese nationals ng P5K para sa AEP sa loob ng isang taon at karag­dagang P4K sa renewal bawat taon.

Nairita si Senadora Grace Poe sa BI nang aminin ng ahensiya na nakapagbigay sila ng 119,000 special working permits sa Chinese nationals.

Ani Arellano, ang nabigyan ng special working permit na three to six months ay tulad ng mga nagko-concert at PBA players.

Ngunit duda si Poe na hindi lahat ng 119,000 nabigyan ng special working permit ay nagko-concert at PBA players.

Lumabas din sa pag­dinig na may kapa­bayaan at hindi namo-monitor ng BI at DOLE ang mga nagtatra­ba­hong Chinese nationals sa bansa.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …