Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

Bebot pinilahan ng 9 kapwa Chinese nat’l (Sa Muntinlupa hotel)

NADAKIP ang limang Chinese national habang pinaghahanap ang apat iba pa makaraang halin­hinang gahasain ang isang babaeng kapwa Chinese sa isang hotel sa Mun­tinlupa City, noong Martes.

Sa tulong ng interpre­ter, ikinuwento ng bik­timang babae, 26-anyos, ang umano’y panghaha­lay sa kaniya ng walong lalaki at isang babae.

Katrabaho umano ng biktima ang mga suspek sa isang call center at magkakatabi lang ang kanilang mga kuwarto sa hotel na kanilang tinu­tuluyan.

Ayon sa biktima, ha­pon ng Martes nang bigla siyang hinatak ng siyam suspek sa isang kuwarto at siya ay halinhinang ginahasa.

Makaraan ang pang­gagahasa, binantaan ng mga suspek ang babae na huwag magsumbong bago nila iniwan sa ku­war­­to ang biktima.

Nang iwanan ang biktima ay humingi siya ng saklolo sa mga awto­ridad.

Ayon kay Southern Police District director, S/Supt. Eliseo Cruz, makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration at embahada ng China para kaso.

Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang biktima para sa debriefing.

Habang sumalang nitong Miyerkoles sa inquest proceedings ang limang nahuli.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …