Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dengue vaccine Dengvaxia money

Responsable sa Dengvaxia scandal mananagot (Tiniyak ng Palasyo)

TINIYAK ng Palasyo na ka­ka­suhan ang mga res­ponsableng personalidad  sa palpak na  anti-dengue vaccine program bago matapos ang kasalukuyang buwan.

“Appropriate charges will be lodged and pursued against government officials and private individuals found responsible by the DOJ for this failed health program for children,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Tinututukan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng panawagan para sa hustisya ng mga pamilya ng mga batang namatay makaraan uma­nong  baku­nahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

“He (Duterte) hears all the calls for justice of families of children whose deaths are reportedly caused by the said vaccine,” ani Panelo.

Inihayag kamakalawa ng Public Attorney’s Office (PAO) na ikinokonsidera ang pagsasampa ng kasong murder laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Budget Secretary Florencio Abad at dating Health Secretary Janette Garin dahil sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Matatandaan, sinus­pende ang implementasyon ng anti-dengue vaccine makaraan ihayag ng French pharmaceutical company Sanofi Pasteur, manu­facturer ng Dengvaxia, noong Nobyembre 2017, na mapanganib na iturok  ang naturang anti-dengue vac­cine sa mga taong walang history ng dengue.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …