Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach Ginebra San Miguel Calendar Girl 2
Pia Wurtzbach Ginebra San Miguel Calendar Girl 2

Alindog ni Pia, nakalalasing

ALAM na kaya ni Pia Wurtzbach kung hanggang sa anong edad safe pa para sa kanya magdalantao at magsilang? Twenty-nine years old na siya noong Sept. 24. (Kuwarenta na yata si Vilma Santos noong isilang n’ya ang kaisa-isa nilang anak ng politikong si Ralph Recto.)

Pampabuhay (ayaw namin sa salitang “pamatay!”) ang alindog ng dalaga pang Miss Universe 2015 noong rumampa at humarap sa media, Martes ng gabi bilang Ginebra Calendar Girl 2019. 

“Hitsura pa lang ni Pia sa kalendaryo, nakalalasing na!” comment agad ng isang kaibigang bading (opo, bading!) noong makita n’ya ang ipinaskil namin na mga litrato ni Pia sa Facebook at Instagram  na kuha namin sa launch n’ya sa Isla ballroom ng Edsa Shangri-la hotel. Ganoon katindi ang alindog ni Pia: pati mga bading, napapanganga!

Inamin naman ni Pia noong media launch n’ya na isang buwan siyang nag-ehersisyo sa gymn at nagpasuporta sa physical fitness and beauty specialists bago siya magpakuha ng mga litrato para sa Ginebra San Miguel (GSM) 2019 calendar.

“At the time of the pictorial, I felt more physically fit than I was when I won Miss Universe!” bulalas ni Pia noong media launch n’ya.

Pero malamang na marami ang ito ang nasa isip: dahil sa paghanga ng mundo sa alindog n’ya, pumasok pa kaya sa isip n’ya ang pagdadalantao, kasal man siya o hindi? Nai-imagine kaya ni Pia ang sarili n’ya na buntis at isa nang ina?

Sa ngayon, malamang na pinagbubulong-bulungan din kung magkano kaya ang ibinayad ng GSM at napapayag siyang mag-endorse ng produktong masang-masa ang reputasyon?

“Gin ng mga trabahador” ang bansag sa kuwatro-kantos at gin bilog, ‘di ba? Lahat yata ng trabahador sa Pilipinas, nakainom ng Ginebra at least once.

Nagdiriwang pala ng ika-185 na taon ang GSM. At kung di n’yo pa alam, may alak ang kompanya para sa mga babaeng bagong panganak, ang Vino Kulafu (na may panahon na ang tawag ay “syoktong”). Maisip kaya ni Pia na uminom niyon sakaling maging ina na siya?

Kahit na paminsan-minsan ay parang nagkakatampuhan sila ni Marlon Stockinger, ang guwapong car racer pa rin naman ang boyfriend n’ya. Happily, parang ‘di naman siya pine-pressure ni Marlon na magpakasal na sila. O mag-live in man lang. At magkaanak.

Pero tama lang na huwag munang magpasyang maging ina si Pia. Tama lang na di n’ya gawin paniwalaan na ang pagkakaroon ng anak ang fulfillment ng isang babae at ng isang pagsasama (kasal man o hindi).

Pakulo lang ng mga antigong tao na ang pagiging biological mother ang ”essence of being a woman.” Kabobohan ‘yon.

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Ang isa sa mga essence ng buhay, lalaki man o babae, o ng uso ngayon na LGBT, ay: magkaroon ng makabuluhang buhay para sa sarili, sa kapwa tao, at sa likas na kapaligiran (nature and environment). Sobra-sobra na ang population ng Pilipinas at buong mundo. Iligwak na ang makitid na paniniwalang nasa pag-aanak ang essence ng pagiging babae. Marami pang ibang magagawang napaka­makabuluhan ang mga babae.

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Oo nga pala, ang iba pang produkto ng Ginebra San Miguel ay: GSM Premium Gin, GSM Blue Light Gin, GSM Blue Flavors, Antonov Vodka, Primera Light Brandy, Anejo Gold Medium Rum, at Don Enrique Mixkila. Bale si  Pia ngayon ang endorser ng lahat ng yan.

Sana, ‘pag nakainom ang mga mister, huwag nilang pilitin ang mga misis nila na makipagtalik. Titigan na lang nila ang mga kalendaryo ni Pia.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …