Sunday , November 24 2024
Tugade CAAP DOTr KIA Kalibo International Airport

Usad-pagong rehab ng Kalibo Int’L Airport (ATTENTION: DOTr Sec. Arthur Tugade)

NGAYONG nalalapit na ang pagbubukas ng Boracay, tanong nang marami, kumusta na kaya ang Kalibo International Airport (KIA)?

Kumusta naman ang preparasyon at rehab ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa biglaan nilang renovation sa KIA na dumarating ang halos 10,000 turista araw-araw?

Ayon sa ating balita, napakabagal umano ng konstruksiyon ng naturang airport at hanggang ngayon ay dilapidated pa ang mga dingding, kisame at kalsada ng nasabing airport?!

Susmio!

Ilang linggo na lang at magkakaroon na ng initial flight sa KIA sa October 28 pero bakit tila usad pagong ang konstruksiyon nito?!

Ayon sa mga nakausap nating CAAP engineers, wala raw problema sa budget ng pagpapagawa.

So, kung wala sa kanila ang problema, ang contractor ng naturang airport ba ang may problema?

Kundi hindi tayo nagkakamali ay “Herbana Builders” ang nakakuha nang halos P20-M kontrata sa renovation ng KIA pero balita natin ay nasa 21 katao lang ang gumagawa sa naturang paliparan?!

Wattafak?!

Bukod pa riyan, hindi raw 24/7 ang kons­truksiyon nito dahil kulang lagi sa materyales at gamit na ipinapadala ang contractor?

So ano ang kalalabasan ng re-opening ng KIA?!

Parang ‘istokwa’ lang?!

Ganern?!

Anak ng tokwa naman!

Kapag nagkataon na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa re-opening ng Boracay at mapadaan diyan sa KIA, hindi kaya ma-P.I. kayong lahat diyan?!

Newly appointed KIA CAAP Manager, Eusebio Monserate, Jr., pakibilisan lang po ang kilos, bossing!

Nakatutok po ang buong mundo hindi lang sa Bora kundi maging sa inyo dahil kayo po ang entry point sa Bora!

Wala munang matutulog sa pansitan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


Transparency ng Pasig City LGU pinatunayan sa ipinasang FOI Ordinance
Transparency ng Pasig City LGU pinatunayan sa ipinasang FOI Ordinance

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *