Friday , May 3 2024

800 Navoteño nakinabang sa mobile passport service

SA ikalawang pagkakataon ngayong taon, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makapaghandog sa mga Navoteño ng madaling access sa passport application at renewal.
Umabot sa 800 Navoteño ang nakinabang sa mobile passport service na isinagawa sa Navotas City Hall noong Sabado, 1 Setyembre.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pasaporte.
“Ang passport ay mahalaga hindi lamang para sa mga travel sa ibang bansa. Ginagamit din ito bilang valid ID sa anomang transaksiyon kaya mainam kung mayroon kayo nito,” aniya.
Binanggit din ni Tiangco na ang Philippine passport ngayon ay valid sa loob ng 10 taon para sa mga adult at limang taon para sa mga menor de edad.
Samantala, pinasalamatan niya ang DFA sa tulong nito na maging madali para sa mga Navoteño ang pagkakaroon ng passport.
“Sa pamamagitan ng mobile passport service, hindi na kailangan pang lumayo ng ating mga senior citizen, mga may kapansanan, mga buntis, at mga bata para makapag-apply ng kanilang pasaporte,” saad niya.
Aabot sa 3,700 passport application form ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center, noong 4-11 Agosto.
Dahil sa limitadong slots, 1,000 lamang ang nabigyan ng  appointment stubs makaraan nilang sumailalim sa initial screening at magbayad ng P1,250 processing fee.
Ang passport ng mga aprobadong aplikante ay ipadadala sa kani-kanilang address.  Nagsagawa rin ng mobile passport service ang Navotas at DFA noong Pebrero ngayong taon.

About Jun David

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *