Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo

READ: Senado desmayado kay Mocha

READ: Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan

ITINATWA ni Com­mu­nications Secretary Martin Andanar  si Assistant Secretary Mocha Uson bilang propagandista, tatlong araw matapos siyang manawagan sa publiko na huwag mali­itin ang kakayahan ng dating sex guru bilang tagapaglako ng fede­ra­lismo sa masa.

Ang pag-iba ng ihip ng hangin ay nang maging viral sa social media ang kontrobersiyal na “pepe-dede ralismo video” ni Uson na umani ng batikos dahil sa kalaswaan.

Sinabi ni Communi­cations Secretary Martin Andanar, nagalit si Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea sa kumalat na video ni Mocha kasa­ma ang isang Drew Oli­var, na ginawang malas­wa at katatawanan ang federalismo.

“Si Ding ho talaga ang kumuha sa kaniya, hindi naman ako iyong nag-appoint kay Mocha na maging spokesman e. Kaya po ang sabi ko kay Ding, you have to dis­engage already kasi galit na sa ES. In fact, I think ES has already called him,” ani Andanar.

Si Ding Generoso ang tagapagsalita ng Consul­tative Committee na ku­mu­ha kay Uson upang tumulong sa pagpapa­laganap ng federalismo.

Bago naging viral ang video ni Uson ay kom­binsido pa si Andanar na maipapaliwanag ang isyu ng federalism kung pag-aaralan ito ng dating sex guru.

“Iyong kay Asec. Mo­cha po ay para mai-bridge lang po iyong com­munication gap between the Constitutional Com­mission at iyong masang Filipino. At sa palagay ko naman kung pag-aaralan ni Mocha itong power to the people, Bayanihan Federalism ay mai-ex­plain niya nang husto ito; hindi naman natin pu­wedeng ismolin o maliitin si Mocha Uson,” sabi ni Andanar noong bago lumabas ang “pepe-dede ralismo” video sa social media.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …