Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30-M illegal shipment mula China nasabat

IPINAKIKITA sa media nina Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña at Bureau of Customs-Manila International Container Port (BoC-MICP) District Collector Atty. Vener Baquiran ang nasabat na P18 milyong halaga ng 12 shipments na steel pipes tube mula sa bansang China, at naka-consigne sa Siegreich Enterprises, na may tanggapan sa Regina Bldg., Escolta, Maynila. (BONG SON)

TINATAYANG P30 mil­yong halaga ng magka­kahiwalay na illegal shipment mula sa  China ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port, nitong Miyerkoles.

Batay sa imbestiga­syon ng BoC, 12 shipment na naglalaman ng mga tubo ang dumating sa port. Ang consignee nito ay Siegreich Enterprise.

Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, sa dokumentong isinumite sa kanila ay idineklarang nasa 16,380 kilos lang ang bigat ng naturang shipment.

Agad aniyang nagla­bas ng alert order maka­raan itong makitaan ng discrepancy at lumi­taw na nasa 27,100 kilos ang bigat nito.

Nabatid na P18 milyon ang halaga ng nasabing shipment.

Samantala, sa iba pang transaksiyon, nasa­bat ang tatlong container van na naglalaman ng misdeclared items na P12 milyon ang halaga.

Ayon kay Lapeña, idineklara ng consignee na Hepomlan Trading, na gadgets at mga laruan ang laman ng shipment.

Ngunit sa inspeksiyon, nakitang ang laman nito ay hair treatment products, teeth whitening set, insecticide at wedding ring cases. Wala rin itong permit mula sa Food and Drug Administration.

Maglalabas ng war­rant of seizure and detention ang Office of the District Collector habang naglunsad ang ahensiya ng imbesti­gasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …