Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 Japanese nat’l timbog sa pekeng $100 bills

KALABOSO ang dala­wang Japanese nationals makaraan makom­piskahan ng 10 piraso ng pekeng $100 bills at at tinangkang suhulan ang dalawang imbes­tigador ng P50,000 hala­ga sa Makati City, noong Lunes ng hapon.

Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apo­linario, Jr., at Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon ang mga suspek na sina Noa Shimegi, 27, at Yoshitaka Yamamoto, 48, pansa­mantalang nanunu­luyan sa Unit 210 Hop-In Hotel sa Makati Avenue ng lungsod.

Sa pahayag ng bikti­mang si Amalia Yamat, kahera ng Emelda Money Changer sa kanto ng Ka­layaan Avenue at Maria­no Street, Brgy. Poblacion, dakong 3:00 pm nang magpapalit ang mga suspek ng 10 piraso ng $100 bills na nahalata niyang peke.

Para matiyak, ipina-check niya sa banko ang pera at nang madis­ko­breng peke ay agad niyang isinuplong sa mga awto­ridad ang mga suspek naging dahilan para sila arestohin ng mga pulis.

Ngunit tinangkang suhulan ng mga suspek ng halagang P50,000 ang mga pulis na sina SPO3 Alejandro Devalid at Jemcie Acosta ng Makati City Police, kaya nadag­dagan ang kanilang kaso.

Ayon sa mga sus­pek, ang dolyar ay ipinalit sa kanilang yen ng isang Asian looking man.

Ang mga suspek ay sasampahan ng posses­sion of counterfeit US dollars at bribery.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …