Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAGASA bukas sa konsultasyon

INIHAYAG ng PAGASA na bukas sila sa konsultasyon ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa suspensiyon ng klase tuwing masama ang panahon.

Ayon kay weather fore­caster Ariel Rojas, sumusunod ang PAGASA sa Executive Order No. 66 na nagsasaad kung aling antas sa paaralan ang sususpendehin ang klase base sa storm warning signal.

Awtomatikong suspendido ang klase sa pre-school at kindergarten sa mga pribado at pampublikong paaralan kapag nakataas ang Signal Number 1.

Kapag itinaas ang Signal Number 2, awtomatikong sus­pendido ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan.

Habang kanselado ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan oras na itaas ang Signal Number 3.

Ngunit kung walang naka­taas na storm signal at inaa­sahan ang masamang panahon, nakasalalay sa local government units ang desisyon sa suspen­siyon ng klase. Gayonman, inire­rekomenda ng PAGASA ang konsultasyon sa kanila at sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa magiging lagay ng panahon.

Bukas umano ang kanilang opisina ano mang oras para sa mga tanong tungkol sa lagay ng panahon.

Nagsuspende ng klase ang ilang mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang siyudad at lala­wigan nitong Lunes at Martes dahil sa inaasahang sama ng panahon dulot ng habagat.

Nitong Martes ng hapon ay naka­labas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bag­yong “Gardo” na nakaapekto sa umiiral na habagat na nagdala ng pag-ulan sa ilang baha­gi ng bansa.

Ayon sa PAG­ASA, maa­aring mag­­karoon ng dalawa hang­gang apat na bagyo nga­yong Hulyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …