Tuesday , April 15 2025

Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon

HINIMOK ng isang kongresista na panagutin ang Grab sa malawakang estafa kaugnay sa pagpa­taw nito ng ilegal na singil sa kanilang mga suking pasahero.

Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, niloko ng Grab ang mga suki nila sa pagpapataw ng P2 kada minuto na waiting time sa bawat transaksiyon sa pasahero.

Kahapon nag-utos ang Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) na pagmultahin ng P10-milyon ang Grab dahil sa pagsingil ng P2 dagdag pasahe sa kabila ng mga aprobadong singil nila.

Sinabi rin ng LTFRB na dapat ibalik ng Grab ang sobrang singil nila sa mga suking pasahero sa pamamagitan ng rebates.

Ani Nograles, ang utos ng LTFRB ay nagpapatunay na ang Grab Philippines ay may nagawang ilegal na nakaapekto sa 67 milyong “total rides” mula Hunyo 2017 hangang Abril 2018.

“Nagsinungaling at niloko nila ang mga pasa­hero nila,” ani Nograles.

Sana, ani Nograles, magsilbing babala ang utos ng LTFRB sa iba pang mga kompanya ka­gaya ng Grab na mana­nagot sila sa mga katiwalian.

ni Gerry Baldo

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *