Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong minolestiya ng pari

BINIGYAN katuwiran ng Palasyo ang pang-aalispusta at pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari at sa Simbahang Katolika dahil bunga raw ito ng naranasang trauma ng Punong Ehekutibo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaya galit si Pangulong Duterte sa Simbahang Katolika ay bunsod nang naranasang pangmo­mo­les­tiya ng pari noong siya’y estudyante pa.

“Now lang siguro pupuwede po nating big­yan ng atensiyon nga­yon ay kung bakit ganoon ang galit ng Pangulo sa Sim­bahang Katolika. E ito nga po iyong karanasan niya, noong bata raw siya ay namolestiya siya. Pa­na­hon na po siguro na i-address natin itong isyu na pagmomolestiya ng mga batang lalaki sa Sim­bahang Katolika, sabi ni Roque.

Dahil sa sinapit aniya ng Pangulo ay nanawagan si Roque sa Simbahan na aminin ang mga insidente ng pangmomolestiya sa mga batang lalaki, paim­bestigahan at gumawa ng mga hakbang upang mai­wasan ito.

Personal aniyang pa­ni­nin­digan ng Pangulo ang pagkuwestiyon sa bersiyon ng Biblia sa pinagmulan ng tao at hin­di kailangan bigyan ng interpretasyon.

May kalayaan aniya sa malayang pananam­pa­lataya ang bawat nila­lang at kasama rito ang huwag magkaroon ng pananampalataya.

“Iyong sinabi ng Pa­ngulo tungkol sa Pa­nginoon. Ang pani­nindi­gan po natin diyan, iyan po ay personal na pani­niwala ng ating Pangulo. Ang kalayaan po ng malayang pana­nampa­lataya, kasama po riyan iyong kalayaan na huwag magkaroon ng kahit a­nong pananampalataya. Personal po iyan kay Presidente, hindi kinaka­ilangang bigyan ng inter­pretasyon. Iyan ang paniniwala niya full stop,” ani Roque.

Kinailangan aniya na ang isang biktima e maging Presidente para maisapubliko, mapag-usapan at magkaroon  ng solusyon ang isyu.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …