Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sister Patricia Fox
Sister Patricia Fox

Sister Fox mananatili sa bansa

IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Pa­tricia Fox na manatili sa bansa.

“We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Gue­varra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang mis­sionary visa ni Sister Fox sa tourist visa.

Paliwanag ni Guevar­ra, hindi kasama sa kapangyarihan ng BI ang forfeiture ng visa.

“Our existing immi­gration laws outline what the BI can do to foreigners and their papers—in­cluding visas—when they commit certain acts within Philippine territory. What the BI did in this case is beyond what the law provides, that is why it has to be struck down,” ani Guevarra.

Hindi aniya puwe­deng basta bawiin ang isang visa nang walang legal na basehan kaya inatasan ang BI na magsagawa ng pagdinig sa kaso ng visa cancel­lation at deportation case.

Noong Abril ay dina­kip si Fox sa kanyang bahay sa Quezon City sa bisa ng mission order na nilagdaan ni Commis­sioner Jaime Morente dahil sa paglahok ng madre sa mga kilos-pro­testa sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …