Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tanim-bala probe result in 24-hrs, utos ni Duterte

INAASAHAN ng Palasyo na maisusumite ngayon ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang imbestigasyon sa napaulat na insidente ng tanim bala noong Biyernes sa NAIA Terminal 3.

Tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, agad iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security (OTS) ang pagsisiyasat sa insidente ng ‘tanim-bala’ batay sa salaysay ng biktimang si Kristine Bumanglag-Moran na nakaalis din at hindi pinigilan sa paliparan.

“Isa ito sa mga pangunahing concern ng ating Pangulo at ipinangako niya noon na ‘pag meron pang insidenteng mang­yari tulad nito ay ipapakain niya ‘yung bala,” ani Go sa panayam sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Hinimok ni Go ang iba pang naging biktima ng ‘tanim-bala’ na maging mapagbantay at maghain ng reklamo dahil ang gobyerno ay handang umaksiyon sa kanilang hinaing.

“Ang importante rito, walang naha-hassle, walang naagra­byado, at walang kinikikilan na tulad noon,” aniya.

Matatandaan, naging pamoso ang ‘tanim-bala’ noong administrasyong Aquino na nakaprehuwisyo sa mga pasahero dahil ginawang modus operandi ng mga tiwaling opisyal ng paliparan, pulis at piskal para mangikil na nagdulot ng masamang imahen ng Filipinas sa ibang bansa.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …