Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
duterte gun
duterte gun

Barangay execs aarmasan ni Digong

IKINOKONSIDERA  ni Pangulong Rodrigo Dute­rte  na armasan na rin ang mga kapitan ng barangay sa buong bansa.

Sinabi ito ng Pangu­lo sa harap ng mahigit 2,800 bagong halal na chairman ng barangay sa Region  3 na nanumpa sa kanya kahapon sa Clarkfield, Pampanga.

Ang plano ng Pangu­lo ay base sa gitna ng du­maraming bilang ng mga opisyal ng barangay na namamatay  sa pagtu­pad ng tungkulin kaug­nay ng kampanya kon­tra ilegal na droga.

Ayon sa Pangulo, ka­pag­ nakita niyang tala­gang ginagawa ng mga opisyal ng barangay ang kanilang trabaho at luma­laban sa mga nasa likod ng operasyon ng ilegal na droga at iba pang krimen, bibigyan sila ng mga armas.

Sinabi ng Pangulo na puwede niyang mabig­yan  ng permit to carry firearms outside of resi­dence (PTCFOR) ang mga kapitan ng barangay at lisensiya sa armas o baril basta ginagawa nila nang maayos ang trabaho.

Ginarantiyahan ng Pangulo sa mga kapi­tan ang buong suporta, sa katunayan ay inatasan si DILG officer in charge Eduardo Año na ibi­gay ang lahat ng tulong na legal kapag nademanda sila sa pagtupad  sa tung­­kulin.

Ayon sa Pangulo,  hin­di siya magdada­la­wang-isip na pumasok sa ek­sena kapag nadis­gra­sya ang sinomang kapit­an at kanilang mga opisyal na may kaugna­yan sa pagtupad ng ka­nilang tungkulin o in line of duty.

Nagbabala rin siya sa mga opisyal ng bara­ngay na hindi nagtatra­baho nang maayos, may kalalagyan at tiyak mag­kakaproblema sila.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …