Friday , April 25 2025
arrest posas

3 tiklo sa shabu session sa Pasay

HULI sa aktong bumaba­tak umano ng ilegal na droga ang isang lalaki at dalawang babae sa isang bahay sa Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng pulisya ang mga suspek na sina Ramon Robillos, Ritchel Telen at Joan Prias, pa­wang nasa hustong gu­lang, at nakatira sa Brgy. 75, Pasay City.

Base sa ulat na ipina­rating ng Southern Police District (SPD), inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) Libertad, ang tatlong suspek sa loob ng bahay sa 108 Ignacio Street, Bgry. 75, dakong 11:00 ng gabi.

Unang nakatanggap ng sumbong ang mga awtoridad mula sa isang concerned citizen kaug­nay ng umano’y nagaga­nap na shabu session sa lugar dahilan upang magkasa ng ope­ras­yon ang mga pulis.

Nabulaga at hindi pumalag ang tatlong sus­pek nang mahuli umano sa aktong bumabatak ng shabu. Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Da­nger­ous Drugs Act of 2002 (RA 9165) sa Pasay Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *