Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magagaya kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na pinatay habang pababa sa ero­plano sa paliparan.

Inatasan ni Duterte ang bagong commander ng Presidential Security Group na si Col. Jose Eriel Niembra na protektahan at bantayan ang segu­ridad ni Sison.

Inianunsiyo ito ni Pa­ngulong Duterte kasabay ng change of command ceremony ng PSG sa Ma­lacañang park kagabi.

Sinabi ng Pangulo na makasisiguro si Sison na hindi siya malalagay sa panganib kapag umuwi rito sa bansa para sa pag-uusap sa kapayapaan.

Tiniyak ng Pangulo na hindi lamang ang pana­natili ni Sison sa bansa ang garantiya para sa kaniyang kaligtasan kun­di maging kapag lalabas siya ng bansa.

Giit ng Pangulo, hindi niya style ang pagiging traydor o gagawa ng Aquino style na pagpa­tay, na binaril nang naka­ta­likod habang pababa sa eroplano.

Sakali aniyang maun­si­yami o mabulilyaso na naman ang peacetalks,  sinabi ng Pangulo na siya mismo ang maghahatid sa airport kay Sison.

Ngunit umaasa ang Pangulo na magkakaroon ng positibong resulta ang tinatrabahong peacetalks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF.

Kasabay nito, ang pagkalugod ng Pangulo sa mabilis na pag-usad ng BBL sa dalawang kapu­lu­ngan ng Kongreso na paunang hakbang sa kapayapaan sa pagitan ng Kristiyano at mga Moro sa Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …