Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PHil pinas China

P5-B ayuda ng China gagamitin sa OFWs (Sa repatriasyon mula Kuwait)

GAGAMITIN ng administrasyong Duterte ang halos P5 bilyong ayuda ng China sa Filipinas para pauwiin ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

“Gamitin ko ‘yung pera. Sabi ko, diyan na muna ‘yan. Place it in trust. And once we start to withdraw all Filipinos there in Kuwait, maybe I’ll tell you the result of our intervention in behalf of our countrymen,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa.

Kahit magnakaw pa siya sa Central Bank ay gagawin daw ni Duterte para lamang mapauwi ang OFWs sa Kuwait kasabay nang pakiusap sa Kuwaiti na huwag saktan ang mga Filipino sa kanilang bansa.

“Though the calamitous events did not occur here but para sa akin kung naghihirap lang ‘yung mga kababayan ko, gagamitin ko. Magnanakaw pa ako kung gusto mo. Ako na ang magnakaw sa Central Bank mismo. But they have to come home,” dagdag ni Duterte.

Hinimok ni Duterte ang OFWs na tumalima sa kanyang panawagan na magbalik sa bansa sa ngalan ng “patriotismo.”

“Come home. Maski gaano tayo kahirap, mabubuhay tayo,” ani Duterte.

Permanente na aniya ang deployment ban sa Kuwait.

Nauna rito’y pinalayas ng Kuwait si Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa matapos ilabas sa social media ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang rescue operation sa ilang Filipino sa gulf state.

Naghain ng diplomatic protest ang Kuwait sa Filipinas at pinabalik sa kanilang bansa ang ambassador nila rito.

Hindi na matutuloy ang nakatakdang paglagda ng memorandum of agreement ng Filipinas at Kuwait na nagsasaad ng mga kondisyon ni Duterte na ayusin ang trato sa OFWs.     (ROSE NOVENARIO)

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …