Saturday , November 16 2024
Malacañan CPP NPA NDF

Diskarte vs kahirapan top agenda (Sa 60-day peace talks)

SAPAT ang itinakdang 60-araw para isakatuparan ang peace talks ng gobyernong Duterte at kilusang komunista upang pagkasunduan ang diskarte upang wakasan ang kahirapan na ugat ng armadong tunggalian sa Fi­lipinas.

“I don’t think there’s a divergence of views on the root causes of rebellion; it is poverty. So if the government and the CPP-NPA will agree to address the root causes, then it should not even take 60 days,” ani Roque sa press briefing kahapon sa Palasyo.

Paliwanag ni Roque, pareho ang plataporma ng gobyerno at Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines, ang iangat ang antas ng kabuhayan ng mga Filipino.

“We have a common platform. Mas maginhawang buhay para sa lahat, mas komportableng buhay para sa lahat,” dagdag ni Roque.

Giit ni Roque, tiniyak ni Pangulong Duterte ang kaligtasan ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison kapag umuwi sa bansa para lumahok sa peace talks.

“What the President said was if peace talks will resume, he’s welcome to come home, the President will assure his security and the fact that he will not be arrested. Beyond that, the President has not acceded to any further terms,” ani Roque.

Ngunit si Sison ay nasa listahan ng Amerika sa mga nagpopondo sa teroristang grupo kaya sinabi ni Roque, bahala na ang communist leader kung paano siya uuwi sa bansa mula sa The Netherlands.

ni ROSE NOVENARIO

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *