Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire dead

1 patay, 7 sugatan sa Las Piñas fire

ISA ang iniulat na namatay habang pito ang su-gatan habang mahigit 1,000 pamilya ang na­walan ng tirahan maka­raan ang anim oras na sunog sa Laong Compound, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City, kahapon ng madaling-araw.

Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng namatay at nasugatang mga biktima.

Ayon sa ulat ni Fire Senior Inspector Pena Borlad ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong 2:54 am sa bahay ng isang Marilyn Cura, ma-ngangalakal ng basura, sa Phase 1 ng Laong Compound ng lungsod.

Nagluluto sa nasa-bing bahay gamit ang kahoy na panggatong nang magliyab at kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Sa bilis ng paglaki ng apoy, agad itinaas sa ika-limang alarma ang sunog dakong 5:00 ng madaling araw .

Nahirapan pumasok sa loob ng compound ang mga bombero dahil masikip ang kalye at sinasabing walang nakaabang na fire hydrant kaya’t agad kumalat at lumaki ang apoy.

Bandang 7:02 am nang ideklarang fire-out ang sunog at tinatayang P1.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy, at 575 bahay ang nasunog.

Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …