Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana Dalawa Ang Puso, pumalo agad sa rating; Katapat na show, inilampaso

WINNER ang pilot episode ng Sana Dalawa Ang Puso nitong Lunes dahil trending kaagad bukod pa sa inilampaso nito sa ratings game ang katapat na programa sa GMA 7, 19.9% vs 6.1%.

Ang mga kababayan nating nasa ibang bansa ay naka-live streaming kasama na ang mga pinsan namin na Salonga family.

Sabi sa amin ni Rowena Salonga na simula noong natapos ang Be Careful with My Heart ay naging malulungkutin na ang Lola Lilia Salonga, 88, dahil hindi na niya napanonood ang Jo-Chard loveteam na tanging libangan niya kapag naiiwan sa bahay dahil pumapasok sa trabaho ang mga anak.

Kaya naman ang saya-saya ng lola namin sa pagbabalik ng Jo-Chard kasama pa si Robin Padilla sa Sana Dalawa Ang Puso na talagang inabangan nila noong Lunes, “Grabe ‘cuz hahaha ‘di mahintay ni mama ‘yung S2P IPTV pinilit niyang panoorin sa TFC TV ang saya-saya niya, tuwang-tuwang mapanood ulit si Jodi at Richard. Lahat kami nakatutok sa live streaming,” kuwento ng pinsan naming si Rowena.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …