Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ross, pinagmulta: Mga opisyal, suspendido

NAGPATAW ng multa at suspensyon ang Philippine Basketball Association sa mga personalidad na sangkot sa free throw fiasco na tumapok sa kontrobersyal na pagtatapos ng 100-96 tagumpay ng Ginebra kontra San Miguel sa 2018 PBA Philippine Cup kamakalawa.

Tumatagintin na P20,000 na multa ang ipinataw kay Chris Ross ng San Miguel bunsod ng paglalahad ng ‘di angkop na pahayag na makakasira sa liga.

Dagdag pa rito ay nakatanggap rin siya ng P5,800 dahil sa kanyang dalawang technical fouls.

Nasuspinde rin ang apat na opisyal sa naturang laro na sina Mardy Montoya, Noy Guevarra, Jerry Borja at Jimmy Mariano gayundin ang book scorer na si Lito Mendegoria at coliseum barker na si Noel Zarate.

Magugunitang sa huling 4.5 segundo ng laro, itinira ni Ross ang free throw na para dapat sa kakampi niyang si Chico Lanete. Bunsod nito, natawagan siya ng technical foul ayon sa batas ng liga dahil sa “deliberately taking the place of a designated shooter.”

Binatikos at kinontra ito ni Ross dahil aniya ay ang mismong referee na si Guevarra ang nagbigay sa kanya ng bola at binanggit din aniya ng barker ang kanyang pangalan para sa free throws.

Sa gitna nito, inamin ng PBA pagkatapos mismo na may mali rin ang kanilang mga opisyal ngunit nanindigan sa itinawag na technical free throw dahil anoman ang mangyari ay alam naman ng manlalaro kung sino ba talaga ang dapat na titira ng free throw.

Napatawan din ng P5,000 multa si Troy Rosario ng TNT dahil sa landing spot infraction kontra sa Magnolia noong nakaraang Sabado.

ni JOHN BRYAN ULANDAY

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …