TUWANG-TUWA si Chris Cahilig, film at music producer/director/PR nang malamang kasali ang kanyang debut short film na Pitaka sa Cefalu Film Festival, isang Italian Film Fest sa Palermo.
Ani Cahilig, hindi niya inaasahang ang pagkakasali ng Pitaka sa 2018 edition ng Cefalu Film Festival sa Italy.
“Nakagugulat kasi libo-libo ang nakikipag-compete sa Cefalu,” nakangiting tugon nito.
Ang kaibigan ni Cahilig ang nagsali sa Pitaka kaya nasorpresa siya.
Mayo 2017 inilabas at ipinost ang Pitaka na ukol sa isang hardworking young man na isinantabi ang pangarap para lamang matugunan o maibigay ang pangangailangan ng nakababatang kapatid na sa bandang huli ay ipinakita rin o sinuklian iyon ng nakababatang kapatid sa pamamagitan ng pagtanaw ng utang na loob.
Kung ilang beses nai-share at umabot ng 17M views ang Pitaka simula nang ilabas noong Mayo 2017.