Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CHEd chair nagbitiw (Resignation tinanggap ng Palasyo)

NAGBITIW sa puwesto si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan nitong Lunes, sinabing panahon na para umalis maka­raan makatanggap ng tawag mula sa Malacañang.

Sinabi ni Licuanan, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong weekend at inutusan siyang bumaba sa puwesto bago matapos ang kanyang termino sa Hulyo 2018.

“I have decided it is time to go. It has become obvious there are persons determined to get me out of CHEd by hurling false and baseless accusations against me in what appears to be a fishing expedition and a well orchestrated move in media,” aniya.

Itinanggi ni Licuanan ang alegasyong mada­las niyang pagbiyahe sa ibang bansa. Aniya, mayroon siyang walong official travels nitong nakaraang taon, lima rito ay ginastusan ng gobyerno.

Aniya, siya ay may limang official travels noong 2016, anim noong 2015, dalawa noong 2014 at tatlo noong 2013.

Kinuwestiyon nitong nakaraang linggo ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jericho Nograles kung ginamit ni Licuanan ang kapangyarihan ng Pangulo sa pag-apruba ng kanyang sariling pagbiyahe.

Sinabi ni Licuanan, bagama’t nilagdaan niya ang kanyang sariling travel documents, ang mga ito ay “always based on an oficial travel authority from Malacañang.”

Idinagdag niyang bumiyahe siya sa business class “to avoid the recurrence of vertigo.”

 

RESIGNATION
TINANGGAP
NG PALASYO

 

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Patricia Licuanan bilang chairperson ng Commission on Higher Education (CHEd).

“The President has received the resignation of CHEd chairperson Licuanan and it will be accepted by the President,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Nauna rito, inihayag ni Licuanan, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea at hiniling na mag-resign siya.

Inakusahan ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Representative Jericho Nograles si Licuanan kamakailan na isang “junketeer” at pinaiimbestigahan sa Kongreso ang mga uma­no’y alingasngas sa CHEd.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …