Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA pinayagan magbiyahe

PINAHINTULUTAN ng korte na makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay kaugnay sa kinakaharap niyang kasong electoral sabotage sa Pasay City court.

Sa ipinalabas na release order ni Pasay City Regional Trial Court (RCT) Branch 112 Presiding Judge Jesus Mu­pas, pinayagan ng korte na makabiyahe patungo sa Japan, Hong Kong at Myanmar ang dating pangulo mula 26 Disyembre 2017 hanggang 12 Enero 2018.

Kahapon ng hapon, nilagdaan ni Judge Mupas ang order makaraan magsumite ang mga abogado ni Arroyo na sina Ferdinand Topacio at  Joselito Lomangaya, ng ”very urgent supplemental motion for leave to travel abroad” nitong Miyerkoles.

Agad nagbayad ng halagang P700,000  travel bond ang kampo ni Arroyo sa korte.

Matatandaan, nitong Nobyembre ay nagsumite ng mosyon sa naturang sala ang kampo ni Arroyo para makalabas siya ng bansa.

Si Arroyo ay sinampahan ng kasong electoral sabotage  dahil sa pagkakasangkot sa dayaan ng eleksiyon sa Mindanao noong 2007.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …