Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte CPP-NPA-NDF
Duterte CPP-NPA-NDF

Duterte todas sa militar (Kapag pumasok sa coalition gov’t)

PAPATAYIN ng militar si Pangulong Rodrigo Duterte kapag pumasok siya sa coalition government na hirit ng mga rebeldeng komunista.

Sinabi ng Pangulo, hindi pinag-uusapan ang kanyang popularidad sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista kaya mas minabuti niyang sundin ang nais ng militar at taong bayan kaysa ilarga ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Papatayin ako. Sigurado ‘yan. No popularity here… no, no. The forces of government would not like it and the people would not like it. So wala akong magawa. Sabi ko, ‘Let us go separate ways,’” anang Pangulo sa talumpati sa Cavite City kamakalawa ng gabi.

Paliwanag niya, nang pinag-aaralan ang mga dokumento kaugnay sa peace talks sa NDF, nabuko niya na coalition government ang isinusulong ng mga rebeldeng komunista.

“I would sum up something like a coalition government. I said, I cannot give what I do not own because that is sovereignty. And the law requires, the Constitution, that if you want to hold the sovereignty of a nation, you must be elected by the people,” aniya.

Pagbibigyan niya ang nais na digmaan ng rebeldeng grupo dahil ito naman ang kanilang ginagawa sa nakalipas na limang dekada.

“But I have discontinued the peace talks…and if we have to go to war, we go to war,” sabi niya.

Binabalangkas na aniya ang isang executive order na magdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang terrorist organization. Kamakailan, nilag­daan ng Pangulo ang Proclamation 360, na nagtuldok sa peace talks ng gobyerno sa mga rebeldeng komunistang grupo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …