Sunday , December 22 2024

PDP Laban sa San Juan City, lalong lumakas

BUMUHOS ang suporta ng mamamayan sa PDP Laban San Juan City Council sa pamumuno ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” Goitia matapos niyang panumpain nitong Lunes ang mahigit 7,000 bagong miyembro ng partido sa Filoil Flying V Arena sa lungsod.

Nagtapos ang mga bagong miyembro sa ikatlong  Federalism at Basic Membership Seminar at nag-umapaw ang arena dahil nagsilahok ang halos lahat ng barangay chairmen ng San Juan City na malugod na pinanumpa ni Goitia.

Ayon kay Goitia: “Sa huling seminar namin ay wala pang 1,000 ang lumahok sa PDP Laban kaya natutuwa ako dahil patuloy ang paglakas ng aming partido sa lungsod na nakita ang kabuluhan ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ikabubuti ng nakararami.”

SUPORTA SA PDP LABAN — Labis ang ipinakitang pagtangkilik kay PDP-Laban San Juan City Council President Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia (inset) na pinangunahan ang Federalism and Basic Membership Seminar at Oath Taking Ceremony na ginanap sa Fil Oil Flying V San Juan Arena nitong Lunes. Idiniin ni Goitia, Executive Director din ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na lumakas ang partido sa lungsod dahil nakita ng mamamayan ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa ikabubuti ng nakararami.

Nakilahok ang iba’t ibang organisasyon tulad ng KAMPIL, RAM, Luzon Watch, Hugpong Federal, MNLF-NCR, Muslim communities sa pangunguna ng mga Maranao  at ang mga kabataan sa pamumuno ni PDP Laban San Juan City Youth Chairman Jose Mari Alfonso at maging ang tanyag na “Pink Ladies” ni San Juan City Mayor Guia Gomez na nagsalita rin sa pagtitipon.

Dumalo rin ang iba’t ibang personalidad sa pangunguna nina Asst. Secretary Astra Moon Naik, Undersecretary Ryan Asaki Estevez, National Parks Development Committee Executive Director Penelope Diaz-Belmonte at opisyales ng PDP Laban San Juan City na sina Vice President Almadi Lomodag at treasurer Catleya Goitia.

Nagbigay ng mensahe si Davao City Councilor Danny Dayanghirang na pangulo ng Philippine Councilor’s League tungkol sa bagong alyansa ng PDP Laban na “Tapang at Malasakit” at inawit ni Presidential Adviser on Culture and Arts Freddie Aguilar ang theme song ng Pangulo.

Dagdag ni Goitia: “Napakahalaga sa PDP Laban ng Federalismo na isinusulong ng Pangulo para magkaroon ng pagkakaisa at katatagan ang buong bansa tungo sa kaunlaran, Nagpapasalamat din ako kina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at sa kanyang hepe ng Political Affairs na si Ronwald “Ka Ron” Munsayac sa lubos na suporta sa aming partido sa San Juan.”

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *