Saturday , November 23 2024

Libreng dengue vaccine ipatutupad sa Caloocan

NAGPALABAS ng direktiba si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan hinggil sa pagpapatupad ng dengue vaccination program sa mga kamag-anak ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod.

Layon ng naturang programa na maprotektahan laban sa mga panganib na dulot ng dengue ang mga kamag-anak ng mga empleyado mula siyam hanggang 18-anyos sa pamamagitan ng libreng bakuna hanggang sa 15 Nobyembre 2017.

Samantala, sa Caloocan City North Medical Center (CCNMC), umabot sa 100 katao ang nabakunahan ng kontra dengue sa loob ng tatlong araw mula nang ito ay inilunsad.

Ang libreng bakuna kontra dengue na handog ng administrasyong Malapitan ay ginaganap sa dalawang pampublikong ospital ng siyudad.

Muling pinaalalahanan ang mga nais magpabakuna na kailangang malakas ang kanilang pangangatawan at walang nararamdamang sakit, walang tinanggap na ibang bakuna sa loob ng nakalipas na isang buwan, at hindi uminom ng pampurga sa loob ng nakaraang tatlong araw.

Ang iskedyul ng pagpapabakuna ng mga ipinatalang kamag-anak na mga kabataan ay sa CCNMC, Susano Rd., Barangay 177, Camarin, Caloocan City mula Lunes hanggang Biyernes simula  2:00 pm hanggang 5:00 pm, at sa Caloocan City Medical Center Annex sa A. Mabini Street tuwing Martes at Huwebes simula 1:00 pm. hanggang 4:00 pm.

Hangad ni Mayor Malapitan na makaiwas ang mga kabataan sa anomang peligrong dulot ng dengue. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *