Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anti-Corruption body itinatag ni Duterte

ITINATAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa bisa ng nilagdaan niyang Executive Order No. 43, kahapon.

Responsibilidad ng PACC na magsagawa ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno na itinalaga ng Pangulo sa loob at labas ng sa-ngay ng ehekutibo.

Magsusumite ng rekomendasyon ang PACC kay Pangulong Duterte hinggil sa resulta ng kanilang lifestyle check sa sino man presidential appointee at ang Pangulo ang magpapasya kung anong parusa ang ipa-pataw sa kanya o kung ipapasa sa Department of Justice (DoJ) para sa mas malawak pang pagsisiyasat at posibleng kasong isasampa sa opisyal.

Habang ang isinailalim sa lifestyle check na opisyal na hindi mula sa sangay ng ehekutibo ay hindi maaaring patawan ng parusa ng Pangulo ngunit ang natuklasan ng PACC sa kanilang pag-iimbestiga ay puwedeng magamit  na ebidensiya ng sino man na nais sampahan ng kaso ang opisyal.

Isasagawa ng PACC ang lifestyle check ng “motu propio” o kahit walang maghain ng reklamo laban sa opisyal.
Ang trabaho ng PACC ay tulad ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na binuo noong administrasyong Arroyo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …