Monday , December 23 2024

Bantay ng pangulo patay sa PSG HQ

NATAGPUANG patay sanhi ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib ang isang opisyal ng Presidential Security Group (PSG) sa loob ng kanyang quarters sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila, kahapon ng umaga.

Sinabi ni PSG Commander Col. Louie Dagoy, iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ni Major Harim Gonzaga, 37-anyos, may asawa at dalawang anak.



Nabatid kay Dagoy, nakita si Gonzaga ng kanyang misis, isa rin PSG member, dakong 8:50 am sa loob ng kanilang quarters na tahanan din ng kanilang pamilya.

Naniniwala ang PSG na walang foul play sa pagkamatay ni Gonzaga ngunit ayaw ni Dagoy na maghayag ng espeskulasyon kay hihintayin nila ang resulta ng pagsisiyasat ng pulisya.

“We cannot speculate. It’s hard to say it was suicide,” aniya.

Ngunit ayon sa misis ni Gonzaga, inireklamo sa kanya ng mister ang tambak na trabaho bilang pinuno ng PSG operation, partikular ang deployment ng kanilang mga tauhan.

Nang maganap ang insidente, si Pangulong Duterte ay nasa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence na nasa Malacañang Park.

(ROSE NOVENARIO)



About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *