Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AFP buhos puwersa vs NPA (Sa Batangas residente lumikas)

IBINUHOS ng militar ang kanilang puwersa, air, land and sea, ganoon din ang pulisya, para tugisin ang isang pangkat ng New People’s Army (NPA) na naka-enkuwentro sa Batangas City, may 94 kilometro ang layo sa Metro Manila.

Daan-daang pamilya ang napilitang lumikas  kahapon nang umigting ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at  NPA, na nagsimula sa enkuwentro ng militar sa mga rebelde sa Mt. Banoy sa Barangay Talumpok Silangan, Batangas City noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Col. Arnulfo Burgos, commander ng 202nd Infantry Brigade, isang rebelde ang namatay at nasamsam ang ilang armas at bala mula sa pinaghihinalaang kampo ng NPA sa enkuwentrong tumagal nang 40 minuto.

Nagsama-sama aniya sa follow-up operations ang buong puwersa ng gobyerno para habulin ang mga rebelde sa pa-mamagitan ng paglalagay ng “PNP checkpoints, Phil. Coast Guard seaborne blockades, Army pursuit operations at close air support from the Philippine Air Force .”

Napaulat, sinuspendi ni Batangas City Mayor Beverly Dimacuha ang klase sa 15 paaralan hanggang ngayon (Martes) bunsod ng bakbakang AFP-NPA.

Nabatid na 50 pamilya ang pansamantalang nananatili sa Barangay Cumba at 87 pamilya sa Barangay Talahib Pandayan at sagot ng city government ang kanilang pagkain at gamot.

ni Rose Novenario



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …