Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

154 sa 257 rekomendasyon ng UNHRC tinabla ng PH

INAMIN ng Palasyo na tinabla ang 154 sa 257 rekomendasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na may layuning ayusin ang human rights situation ng Filipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagtanggap ng administrasyong Duterte sa 103 sa 257 rekomendasyon ng UNHRC sa ginanap na Third Philippine Universal Periodic Review (UPR) sa Geneva ay base sa masusing pagrepaso at konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders alinsunod sa kanilang independent foreign policy.

Ang mahalaga, ani Abella, ay tinanggap ng UNHRC ang Philippine report na kumikilala sa human rights record ng bansa at mga komitment sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa ulat, karamihan sa rekomendasyon ng UNHRC ay may kinalaman sa pag-iimbestiga sa umano’y extrajudicial killings (EJKs), pagpapatigil sa pagbabalik ng death penalty at pagpigil sa panukalang batas na pababain ang edad ng “criminal liability.”

(ROSE NOVENARIO)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …