Saturday , November 16 2024

Level-up ng intelligence community hirit ni Digong (Para sa A-1 info)

PALALAKASIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aspektong paniniktik ng mga ahensiya ng pamahalaan upang makabuo ng dekalidad na impormasyon o A1 information, na kanyang pagbabatayan sa pagtaya ng national security situation ng bansa.

Base sa Administrative Order No. 7 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, inireorganisa at palalakasin ang National Intelligence Committee (NIC) upang maging instrumento sa pagsusulong nang mas maayos at epektibong intelligence community.

Ang NIC, sa pamamagitan ng Director General ng National Security Council, ay awtorisadong ipatawag ang sino mang kinatawan ng alin mang ahensiya ng pamahalaan upang tumulong sa pangangalap ng impormasyon “on a regular basis” lalo ang may kinalaman sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kabilang sa mga pangunahing ahensiya na bahagi ng NIC ang Department of Foreign Affairs (DFA), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BoC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Coast Guard (PCG) at Office of Transportation Security.

Si National Security Adviser Hermongenes Esperon, Jr. ang siya ring director general ng National Security Council.

Sa kanyang talumpati sa PNPAAI oath taking ceremony sa Palasyo kamakailan, sinabi ng Pangulo na may plano siyang palakasin ang intelligence community upang maging mas epektibo sa paglaban sa kriminalidad, illegal drugs, terorismo at korupsiyon.

(ROSE NOVENARIO)



About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *