Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PSG member na nawawala nasaan na? (Kamag-anak hilong-talilong)

WALA pa ring impormasyon ang mga kamag-anak ng nawawalang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na si PO2 Ronnie Belino mula nang mawala siya noong 24 Agosto 2017.

Halos 15 araw na mula nang mawalang parang bula si Belino, 34 anyos, miyembro ng Civil Disturbance Management ng Presidential PNP Security Group (PPSFU).

Hindi pa rin siya na-tutunton ng kaniyang mga kaanak. Naitalaga ang pulis sa PSG noong 2011 hanggang mawala nga siya ngayong Agosto 2017.

Ayon kay PSG Commander B/Gen. Louie Dagoy, idineklarang absent without official leave (AWOL) si Belino.

“Declared AWOL, starting 23 Aug, status unknown as of this date,” ani B/Gen. Dagoy.

Ayon kay Johnny Beato, tiyuhin ni Belino, wala pa rin silang impormasyon kung nasaan ang kaniyang pamangkin.

Asawa si Johnny ni Berna Beato na kasama ni Joel Belino, 40, kapatid ni Ronnie, na dumulog nitong 6 Setyembre sa General Assignment and Investigation Section (GAIS) para iulat na nawawala ang pulis.

Ani Beato, tahimik na tao si Belino at paminsan-minsan ay nagpupunta sa kanilang bookstore na nasa C.M. Recto Ave., sa Sampaloc, Maynila.

Dagdag ni Beato, hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Joel, ka-patid ng pulis, ang kani-yang kapatid.

“Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Joel. Baka hinahanap niya ang kaniyang kapatid,” ani Beato.

Matatandaan na unang napaulat sa HATAW na si Belino ay huling nakita sa tapat ng bookstore ng kaniyang tiyahin. Balisa at palakad-lakad umano noong makita siya umaga ng 24 Agosto, ang araw na nawala ang pulis.

Dagdag ni Beato, maging ang asawa ni Belino na nasa Pangasinan ay nag-aalala kung nasaan nga ba ang PSG member. May anak din umano ang pulis.

“May anak siya [Belino]… halos isang taon pa nga lang e,” sabi ni Beato.

Nitong 8 Setyembre, iniulat ng HATAW na may inarestong pulis ng Valenzuela Police Station sa Mariano Ponce St., Brgy. 135, Bagong Barrio, Caloocan.

Kinalala ang pulis-Valenzuela na si PO1 Jomar Regalado Reyes.

Ngunit, ang pag-aresto ay pinabulaanan ni PNP-Counter Intelligence Task Force chief, C/Insp. Jewel Nicanor na hinuli nila si Reyes.

Ayon sa naunang ulat ng Hataw, si Olivia May, asawa ni Reyes, ay nagsabing tinawagan umano ng isang PO1 Demetrio Ramilo para pumunta sa isang lugar sa EDSA noong paalis na siya para mag-duty sa trabaho.

Nitong 24 Agosto, dinukot si Reyes sa parehong barangay sa Caloocan na naunang iniulat ng HATAW na pinag-ares-tohan ng PNP-CITF.

Batay sa nakalap na impormasyon, ang huling nakausap ni Belino ay si Ramilo. Niyaya umano si Belino ni Ramilo para uminom noong gabi ng 23 Agosto, huling gabi bago mawala si PO2.

Si Ramilo ay nakata-laga sa Northern Police District (NPD) na nakasasakop sa Caloocan, na pinangyarihan ng pagdukot kay Reyes.

Sa nasabing siyudad, nangyari ang pagpaslang kina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Ulat nina ROSE NOVENARIO at IVEL JOHN M. SANTOS

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …