Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper patay, pulis sugatan sa shootout

HUMANDUSAY na walang buhay ang hinihinalang holdaper na si Allan Ricafort makaraan makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng PCP-7 ng Pasay City Police sa South Superhighway, Magallanes Avenue, Makati City. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ninakaw na e-bike, isang kalibre .45 baril, at mga ID. (ERIC JAYSON DREW)

PATAY ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan ang isang pulis makaraan ang palitan ng putok sa Makati City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Allan, binawian ng buhay bunsod ng mga tama ng bala sa katawan.

Habang nasa mabuti nang kalagayan sa Pasay City General Hospital si PO2 Jerry Jubail, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-7) ng Pasay City Police.

Base sa ulat na nakarating kay Southern Police District (SPD) Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., director ng Southern Police District (SPD), nakatanggap ng timbre ang Brgy. 153 at ng PCP 7 mula sa mga residente, na may kahina-hinala at armadong lalaki sa lugar kaya agad nagresponde ang mga pulis kabilang si PO2 Jubail.

Nang mapansin ng suspek ang parating na mga pulis, agad siyang nagpaputok bago tinangay ang isang pizza e-trike at tumakas ngunit hinabol siya ng mga awtoridad dakong 8:20 pm.

Pagsapit sa Magallanes flyover sa Makati City, muling nakipagbarilan ang suspek na kanyang ikinamatay habang tinamaan ng bala sa tiyan si PO2 Jubail. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …