Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AFP ‘berdugo’ ng manok

HINDI lang kaaway ng estado ang obligasyong ‘likidahin’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kundi maging mga manok na may sakit na avian influenza o bird flu.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag kinakailangan ng sitwasyon ay magpapadala ng mga tauhan ang AFP upang kumatay ng mga manok na may bird flu dahil hindi ito maituturing na maliit na kalamidad.

“Perhaps if needed the AFP can field more men to cull birds, this is after all no small calamity,” ani Abella hinggil sa hakbang ng pamahalaan kaugnay sa bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Aniya, nakikisimpatya ang Palasyo sa mga magsasaka at iba pang sektor sa poultry industry na labis na naapektohan sa marahas na hakbang na isinagawa ng gobyerno upang mapigilan o mawala ang kauna-unahang avian flu outbreak sa bansa.

“We sympathize with plight of our farmers and other sectors in the poultry industry which are burdened by the drastic measures needed to contain and eradicate our first ever avian flu outbreak,” dagdag ni Abella.

Sa kabila na kapos ang kanilang mga tauhan, hinimok ng Malacañang ang Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry (BAI) na madaliin ang iba’t ibang paraan ng pagsugpo sa bird flu virus upang hindi lumala at makabawi agad ang poultry industry.

“Despite their lack of personnel we urge DA and BAI to expedite their various clearing to minimize the loses and hasten the recovery of the poultry industry,” wika ni Abella.

Sa panayam kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Abdullah Dumama, tiniyak niya na wala pang naitatala sa buong mundo na nahawa ng bird flu ang isang tao sa pagkain ng manok.

“Wala pa itong transmission from human to human, sa pagkain po ito ng mga manok ay hindi natin makukuha ito,” aniya.

Ngunit para makasiguro, kailangan aniyang alamin kung saan galing ang mga manok bago bilhin at lutuin mabuti, kahit pa napakahirap na maipasa ang bird flu sa tao.

“Wala po, sa aming briefing, tayo ang pinakahuling Southeast Asian country na nag-report nang ganito. Ngayon lang dumating sa atin, hindi pa nakapaminsala. Sabi nila ay puwede pa rin makuha sa egg, again it would be very difficult,” giit ni Dumama.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …