Saturday , November 23 2024

Damuhong Arabo timbog sa CIDG

MULING nakapuntos laban sa mga gunggong na lumalabag sa batas ang masisipag na detective

ng Manila-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni Chief Insp. Wilfredo Sy nang kanilang hulihin ang isang dayuhan sa pag-iingat ng mga armas sa Maynila.

Kinilala ni Sy ang damuhong arestado na si Abu Khaleed alyas Jamil, isang Arabo na naninirahan sa ika-11 palapag ng Suntrust Property Inc., Suntrust Adriatico Garden, Malate, Maynila.

Nauna rito ay naglabas ng search warrant si Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City RTC Branch 89 laban kay Khaleed dahil sa pagkakaroon ng mga baril at bala.

Nang mapasakamay ni Sy ang naturang warrant ay agad siyang umaksiyon upang ipatupad ito katulong ang Manila Police District-District Special Operations Unit.

Sinalakay nila ang unit na inuupahan ng Arabo at nagulat ang dayuhan sa bigla nilang pagsulpot. Ganoon pa man, wala na itong nagawa para umiwas sa mga awtoridad.

“Tumayong testigo sa pagpapatupad namin ng warrant ang dalawang kagawad ng Barangay 770, Zone 78 ng Malate at pati na ang tatlong security guards ng FSR Security Agency na nakatokang magbantay sa Suntrust Property.

“Nakompiska namin ang isang magnum caliber 22 machine pistol, 25 iba’t ibang uri ng bala, mga kutsilyo, ilang drug paraphernalia, at isang plastic sachet na naglalaman ng shabu,” pahayag ni Sy.

Agad-agad inaresto nina Sy si Khaleed na kinalaunan ay natuklasang ang tunay na pangalan pala ay Jamil Maumenah, isang 32-anyos na Saudi Arabia national na nakatalang totoong umuupa sa naturang unit sa ika-11 palapag.

“Ang dayuhang suspek ay dinala muna sa tanggapan ng Manila CIDG upang isailalim sa imbestigasyon para sa mga karagdagang kasong kinasangkutan. Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Firearms and Ammunition Regulations Act at Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy kaming magsisikap sa pagsasagawa at pagpapatupad ng mga proyekto ng CIDG laban sa lahat ng uri ng kriminalidad para patuloy rin naming mapagsilbihan at maprotektahan nang husto ang mga mamamayan sa abot ng aming makakaya,” paliwanag ni Sy.

Ang tanong, mga mare at pare ko, ay bakit nag-iingat ng matinding armas at mga bala ang isang hinayupak na dayuhan? Isa ba siyang terorista o may masamang pinaplano laban sa gobyerno? Mabuti na lang at nahuli na agad ni Sy at ng kanyang mga pulis bago pa makaprehuwisyo at makagawa ng kawalanghiyaan ang gago.

Palakpakan!

BULL’s EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *