Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMDA agad naglinis sa binahang lugar

KAHIT hinukay at tinanggalan ng bara ang imburnal sa kanto ng Victoria St., at Padre Burgos Drive, pinaniniwalaang ito pa rin ang dahilan ng pagbaha sa harapan ng Manila city hall kaya nagkakabuhol-buhol ang trapiko tuwing bumubuhos ang ulan. (BONG SON)

NAGSAGAWA ng cleaning operations ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga area na apektado ng baha dulot nang malakas na pag-ulan sa pananalasa ng bagyong Gorio.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nagsimula ang cleaning operation ng Flood Control and Sewerage Ma-nagement Office (FCSMO) sa kahabaan ng Tayuman St., malapit sa Land Transportation Office (LTO); Lacson St., malapit sa SM San Lazaro, Sta. Cruz sa Maynila, at sa Gov. Pascual, pa-nulukan ng MH Del Pilar St., Brgy. Tinajeros, Ma-labon City, dakong 9:00 am kahapon. Sa ulat ng MMDA, ang mga lugar na apektado ng baha ay bahagi ng R. Papa, Rizal Avenue, panulukan ng Taft at United Nations Avenue, at Malvar St.

Ang area ng Balintawak Cloverleaf papuntang EDSA, harapan ng Saint Joseph Church sa Quezon City, sa P. Burgos St., Victorino EB, ay hindi makadaan ang light vehicles dahil hanggang tuhod ang baha.

Samantala, hanggang bangketa ang baha sa area ng Quirino Avenue, TM Kalaw Ave., sa panulukan ng Maria Orosa St.; sa A. Bonifacio, panulukan ng C3 Road, at sa 11th Avenue; Brgy. Catmon, Tatawid kanto ng MH Del Pilar St., Camus C. Arellano St., Unican Sitio 6, Gov. Pascual Avenue, panulukan ng Ma. Clara St., Women’s Club St., panulukan ng Naval St., P. Aquino St., Tonsuya St., at San Vicente sa Malabon City.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …