Sunday , December 22 2024

PAO chief, mas wastong umayuda sa mga akusado

 

MARAMING kapita-pitagang abogado ang ating bansa tulad ng nakilala kong nagsiyao na sina dating Constitutional Convention member Dakila Castro ng Bulacan at Fiscal Vidal Tombo ng Nueva Ecija. Naging media consultant din ako sa maikling panahon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at tagasuporta ko sa literatura ang kanyang ama na si Tatay Aquilino “Nene” Pimentel Jr. Kapwa sila mahuhusay at de kampanilyang manananggol.

Kaya natuwa ako nang itatag ang Public Attorney’s Office (Tanggapan ng Manananggol Pambayan) o PAO na maaasahang magtatanggol sa mga kababayan ko sa Eastern Samar na kadalasang ginagawang fall guys sa samot-saring krimen.

Maganda ang simula ng kasalukuyang hepe ng PAO na si Atty. Persida Rueda-Acosta ngunit napansin ko na masyado na siyang matakaw sa publicity kaya masyadong naaapi ang dapat niyang ipinagtatanggol na mga pobreng akusado sa krimen tulad sa masaker kamakailan sa San Jose del Monte City (SJDMC) sa Bulacan.

Sa halip suportahan ni Acosta ang mga akusado o pinangalanan sa krimen, kumambiyo siya sa kanyang tunay na papel at sinuportahan ang padre de pamilya ng mga minasaker nang magsadya siya sa SJDMC gayong tiyak namang kakampi ito ng mga tagausig o fiscal ng Department of Justice (DOJ). Kaya ngayong isa-isang pinatay ang mga akusado nang walang paglilitis, may masa-sabi ba ang ating PAO chief? Nada, tsk, tsk, tsk.

Noong si Sen. Leila de Lima ang nasa DOJ, pinutulan niya ng pakpak ang taga-PAO para magtuon ng panahon sa mga akusado. Pero sa kasalukuyang pa-mahalaan, pinapaslang ang mga akusado kahit nakapiit tulad ng nangyari kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na tumaas pa ng ranggo ang utak ng krimen.

Marahil, may ambisyong pampolitika si Acosta kaya mahilig umepal sa media. At may tsismis pa ngang may alaga siyang mediamen tulad ng matabang lalaki na medyo mataki ang tiyan na nakasalamin na nasa PAO central office monthly. Sabi nga ng isang empleado: “Baka kumukuha ng allowance niya from the chief…”

Hindi lamang ito ang reklamo ng isang taga-PAO. Dagdag niya: “Gusto niya kaming mag-duty sa office everyday from 5-10 pm and Saturdays, Sundays and holidays ng 8 am to 10 pm. Papatayin talaga kaming lahat na taga-PAO. Hindi ko ma-imagine ang konsumo namin sa kor-yente no’n and ang effect sa health namin.”

Sana, maghinay-hinay si Acosta at isipin ang misyon at bisyon ng PAO na dapat tumulong sa mga naaakusahan kahit sa maling paratang. Huwag niyang isipin ang media mileage dahil kung gusto niyang maging senadora, ihahalal siya ng sambayanan at hindi ng mga taga-media na madalas bumisita sa kanyang tanggapan.

O ‘di ba?

ABOT-SIPAT – Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *