TAPOS na ang isang taong pagtitimpi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpayaman sa panggagahasa sa kaban ng bayan.
Makaraan tanggalan ng pangil ang malalaking drug syndicate at terrorist groups sa bansa, sasampolan ni Duterte ang ‘Big 4’ o apat na mandarambong sa pamahalaan.
Sinabi ng isang Palace official, nakakalap ng matitibay na ebidensiya ang administrasyon laban sa apat matataas na opis-yal ng dating adminis-trasyon.
Sangkot umano ang “Big 4” sa maanomalyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam.
“Kung naging selective ang previous admi-nistration sa kinasuhan sa pork barrel scam, ngayo’y wala kaming sasantohin,” ayon sa Palace source.
Ipinahiwatig niya ang posibilidad na madawit sa imbestigasyon sina dating Pangulong Benig-no Aquino III, dating Budget Secretary Florencio Abad, Sen. Franklin Drilon at dating Executive Secretary Paquito Ochoa.
Tumanggi ang Palace official na kompirmahin kung si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles ang alas ng administras-yong Duterte laban sa kanila.
Nauna nang napau-lat na si Abad ang umano’y mentor ni Napoles sa pork barrel scam noong kinatawan pa siya ng Batanes at chairman ng House Appropriations Committee.
Habang noong Dis-yembre 2009, humingi umano si Ochoa kay Napoles ng campaign funds para kay Aquino na Li-beral Party standard-bearer, para sa 2010 presidential elections.
Kamakailan, inihayag ni Stephen David, abogado ni Napoles, na sasampahan ng kaso ng kanyang kliyente bilang sangkot sa PDAF scam sina Sens. De Lima, Franklin Drilon at Antonio Trillanes IV.
Ibinunyag ni David, pinuntahan ni De Lima si Napoles noong naka-confine sa Ospital ng Makati upang, ‘doktorin’ ang listahan na inihanda ng kanyang kliyente para mawala ang mga kaalyado ng administrasyong Aquino.
ni ROSE NOVENARIO