Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, enjoy sa katatakbo kahit puyat

RELATE much talaga ang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin kay Kim Chiu dahil nga triathlete ang papel niya ay ganito rin siya sa tunay na buhay.

Muli na namang nadagdagan ang mga medalyang iniipon ni Kim dahil nanalo na naman siya nitong Linggo lang.

Base sa IG post ng aktres, ”A good morning indeed!! Came from a delayed flight from Cebu, went straight to #runrio2017 just to get that 21k finisher medal waiting at the finish line!!! Thanks again ate @rainyeyet  @goldsgymphilippines  for pacing me on that solid run!!! yay!! We did it!!!  #GoformedalsKSYC.

Ang medalyang tinanggap ni Kim ay mula sa RUNRIO Trilogy Half Marathon Leg 1, Okada, Manila.

Binanggit din ng dalaga na nalampasan niya ang rati niyang record base rin sa IG post niya suot ang medalyang caption na, ”#RunRio2017 leg 1 21k finisher!!! had so much fun!!! Just beat my personal record 2:30mins from 2:55mins the last time!!! happy me!! Time to get some sleep!! mukhang antok na picture ko eh!! Goodnight! Have a great Sunday! #goformedalsKSYC.”

Nag-eenjoy si Kim sa katatakbo at naging hobby na yata niyang tumakbo ng puyat dahil sa tuwing may laban siya ay lagi siyang may pinanggalingang event out of town dahil parati niyang caption sa mga nauna ay pagkababa niya ng eroplano ay diretso siya sa triathlon competition at pagkatapos ay at saka siya matutulog. Hindi ba ito delikado, Ateng Maricris?

Anyway, base sa kuwentong umeere ng Ikaw Lang Ang Iibigin ay tila alam na niBing Loyzaga (Maila) kung sino ang bumugbog sa kanya para hindi siya makasali sa marathon noon dahil napilay siya sa banta ni Daniel Fernando (Rigor) na hindi alam ng una kung ano ang kaya nitong gawin.

Nang komprontahin naman ni Lydia (Gina Pareno) ang anak na si Rigor, ayaw nitong umamin, pero malakas ang kutob na ginawa nga ito ng tatay-tatayan ni Gabriel (Gerald Anderson).

Ano kaya ang gagawin ni Gerald (Gabriel) kapag nalaman niya na ang kinikilala niyang amang si Rigor (Daniel) ang naging dahilan kaya naging baldado ang ina ng babaeng mahal niya?

Habang tumatagal ay maraming nabubunyag na lihim sa ILAI handog ngDreamscape Entertainment mula naman sa direksiyon ni Dan Villegas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …