Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ka-DDS dapat mag-rectify kay Aznar (Mocha hihirit?)

062317_FRONT
POSIBLENG maisalba sa panganib ang isang photographer na tinadtad ng banta makaraan akusahan ng netizens na nag-post ng real time footage ng bakbakan sa Marawi City.

Ito’y kung mamamagitan si Communications Assistant Secretary Mocha Uson at kausapin ang kapwa ka-Duterte Diehard Supporter (DDS) na si RJ Nieto na nagmamantina ng blog na “Thinking Pinoy.”

Matatandaan, ini-repost ni Nieto ang mga larawan at video sa Marawi City na inilagay ni Jes Aznar sa kanyang Instagram ng mga “military snipers in action” noong nakalipas na 25 Mayo.

Naging kontrobersi-yal ang mga larawan dahil sa mga akusasyon ng netizens, pati ni Nieto, na nalagay sa panganib ang mga sundalo.

Batay sa ulat, bagama’t nilinaw ni Aznar na ang mga larawan ay inilathala niya nang wala na sila sa area, pinanindigan ni Nieto na ang video ay nagbigay umano sa mga terorista ng “insights on AFP’s entry points.”

Sa panayam kay Uson, sinabi niya, hindi muna magbibigay ng reaksyon habang hindi pa nila napag-uusapan ni Communications Secretary Martin Andanar ang gagawing hakbang hinggil sa isyu.

Kaugnay nito, tiniyak ni Presidential Task Force on Media Security chief Joel Egco, na hindi niya papayagan na malagay sa alanganin ang media workers.

“What is happening to Aznar can have a chilling effect and can happen to other media workers. We don’t want that,” ani Egco nang makipagpulong sa iba’t ibang media organizations kamakalawa sa Malacañang.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …