Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Nora sa Oktubre, kasado na

NITONG nakaraang Martes ng hapon ay hitsura ng tribute para kay Nora Aunor ang kinalabasan ng programang Cristy Ferminute sa Radyo 5.

Isang araw kasi matapos niyon ay ipinagbunyi ng mga tagahanga ng nag-iisang Superstar ng bansa ang golden anniversary ng pagiging kampeon nito sa Tawag ng Tanghalan.

Straight na 14 weeks kasing bitbit ni Ate Guy ang kanyang titulo bilang TNTchampion noong May 27, 1967. Ang kanyang winning piece ay angMoonlight Becomes You.

Sa naturang radio program ay pinatugtog namin sa himpapawid ang mga awitin ni Nora, maging ang People na ipinanlaban din niya. May ipinasulyap pa kaming litrato ni Ate Guy, hawak nito ang kanyang tropeo katabi ang tiyahing si Mamay Belen.

Pero ang mas ikinaantig ng aming damdamin ay ang nakalkal naming piyesa ni Nora na pinamagatang Habampanahon. Courtesy ‘yon ng ilang Noranians.

Ang nasabing awitin—na hindi pa commercially released—ay piyesang nai-record ni Ate Guy bago nagkadiperensiya ang kanyang boses.

Swak ang mga lyric ng kantang ‘yon, walang iniwan sa isa pa niyang kantang Handog mula sa komposisyon ni Florante.

Malinaw na pagsilip ang Habampanahon sa mga tunay na kaganapan sa masalimuot na buhay ni Ate Guy, mula sa kanyang pangarap na nagkaroon ng katuparan hanggang sa kanyang popularidad bilang isang mang-aawit-aktres.

Balitang sa darating na Oktubre ay wala nang urungan ang kasado na niyang concert. Magandang balita ito sa grupo-grupo niyang mga tagasuporta.

Kung medyo malamlam ang pagtanggap kadalasan ng mga Noranian sa mga pelikula ng kanilang idolo, sana’y sa pagkakataong aangkinin muli nito ang entablado para magtanghal ay naroon sila, kapit-bisig na pupunuin ang concert venue.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …