Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arci, nag-take-advantage sa abs ni Gerald (Crush si Ge’ noon pa man)

KAPAG si Arci Muñoz talaga ang ini-interview sasakit ang tiyan mo sa kakatawa at kakaintindi dahil ang gulo-gulo niyang magkuwento sa rami ng gustong sabihin.

Sa ginanap na presscon ng pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Can We Still Be Friends, tawa ng tawa ang entertainment press sa aktres dahil ibinubuking niya mismo ang mga pinaggagagawa niya sa set.

Ito ay dahil kampante na siya kay Gerald kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin.

“Kasi kami ni ‘Ge (palayaw ng aktor) he’s such a gentleman. Kasi nga sa ‘Always Be My Maybe’ (unang pelikulang pinagsamahan nila) ay ipinaramdam na niya sa akin na okay siya. Kasi that time, bago lang ako. Maganda ‘yung relationship namin, kaswal, komportable kami at hanggang ngayon, wala namang nagbago, ganoon pa rin, happy kami sa set.

“Sa scenes namin, he always take good care of me, sa ‘Always Be My Maybe’, may kinunan kaming scene na delicate talaga for the whole day, very maingat po siya. Ako pa nga ‘yung nagte-take advantage, ha, ha, ha,” tumatawang kuwento ni Arci.

Gustong-gusto ni Arci ang ‘abs’ ni Gerald at talagang nag-take advantage siya sa aktor habang isinu-shoot nila ang Can We Still Be Friends na idinirehe ni Prime Cruz at isinulat naman ni Jen Chuanunsu produced ng Starcinema na mapapanood na sa Hunyo 14.

Bitin ang entertainment press kung anong ginawa ni Arci sa abs ni Gerald kaya kinulit siya.

May eksena na nahirapan nang husto ang aktres, ”basta kailangan ko po kasing sum-shot kasi hindi ko keri (gawin kapag hindi nakainom). Dito po sa movie, uminom kami ng vodka kasi kailangan,” tawa ng tawang sabi ng dalaga. At sa kadaldalan pa ay nabanggit na pinapawisan na ang kilikili niya.

“Sobrang lalaki ng pawis ko tulad sa anime. Madaling araw na kasi noon at nagising din lahat ng tao sa set (dahil sa eksena). Lagi naman pong gising ang abs niya, always present, never absent.”

CRUSH SI GE’ NOON PA MAN

Ibinuking din ni Arci na crush niya si Gerald noon pang nasa GMA 7 siya dahil nga kamukha ng aktor si Zac Efron.

So noon pa niya crush si ‘Ge, hindi ba ito nawala ngayon, ”everytime crush ko po siya (Gerald)”

Sa tanong kung posibleng maging boyfriend niya ang aktor kung walang girlfriend,”Ako po ba manliligaw? Sabagay ginagawa ko naman ‘yun, lahat ng ex-bf (Kean Cipriano at Badi del Rosario) ko, ako nanligaw,” pag-amin ng dalaga.

Inamin din ni Arci na hindi niya keri maging friend and mga ex-boyfriend niya tulad ng titulo ng pelikula nilang Can We Still Be Friends.

“Siya (Badi) nga ang nagsabi niyon sa akin, sabi ko hindi ko kaya kaya better na hindi na lang kami magkita. Pero ngayon naka-move-on na po ako,” pagtatapat ng aktres.

Paliwanag pa, ”kapag mahal mo pa kasi ang ex mo, mahirap maging friend ang ex mo.”

RIA, NAUNAHAN PANG
MAGKAPELIKULA SI ARJO

SPEAKING of Can We Still Be Friends, isa si Ria Atayde sa cast ng pelikula pero hindi siya nakasipot sa presscon kahapon dahil may taping siya ng My Dear Heartna hindi puwedeng mawala siya.

For airing kasi ang kinukunang eksena sa My Dear Heart na hindi naman binanggit ni Ria kung ano iyon.

Nakatutuwa naman si Ria dahil naunahan pa niyang gumawa ng pelikula ang kuyaArjo Atayde niya.

At ang papel ni Ria sa Can We Still Be Friends ay, ”new girl of Gerald po.”

Tinanong namin kung sila ni Gerald sa ending pero hindi na kami sinagot.

FACT SHEETReggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …