Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasay Hall of Justice ‘binomba’

NABULABOG ang mga empleyado ng Pasay City Hall of Justice nang makatanggap ng bomb threat ang mga kawani kahapon ng hapon.

Sinabi ni Pasay City Police chief, S/Supt.  Dio-nisio Bartolome, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa hindi nagpakilalang caller ang mga kawani ng Pasay City Regional Trial Court (RTC), Branches 109 at 111, si-nabing may bomba sa kasagsagan ng pagdinig dakong 1:00 pm kahapon.

Dahil dito, nagkaroon ng tensiyon at nabulabog ang mga empleyado. Agad silang pinalabas kaya pansamatalang naparalisa  ang operasyon.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga kagawad ng Pasay City Police Explosive and Ordnance Division (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) sa buong gusali .

Makaraan ang kalahating oras, nabatid na negatibo sa bomba ang gusali kaya bandang 2:00 pm ay bumalik sa normal ang operasyon.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …